"We were able to strengthen our economy because of the fiscal reforms that we adopted at such great cost to me in public disapproval. But I would rather be RIGHT than POPULAR.
- Her Excellency, Gloria Macapagal Arroyo
Sa tuwing nababasa ko, o naririnig ang tungkol sa SONA, napapaisip tuloy ako na walang kuwenta ang bumabatikos sa pangulo. Hindi naman lahat ay ganoon. Kasi, sa totoo lang, wala akong pinapanigan sa pagitan ng nambabatikos at ng pangulo. Ang sa akin lang, hindi naman pala ganoon kasama ang pangulo, hindi siya ganoon ka iresponsable. Kasi kung totoo nga na ganun, ay siguro nakatunganga lang siya tuwing magso-SONA siya, o di kaya'y di na lang siya mag so-SONA dahil wala naman siyang masasabi, hindi ba?
Marami siyang nabanggit na mga 'achievements', kumbaga, sa SONA niya ngayon. Nakapagpatayo siya ng mga patubig sa isang milyong ektarya sa loob ng anim na taon, naitaguyod niya ang Agribusiness sa Mindanao na siyang dahilan kaya bumaba ang hunger rate doon, nakapagawa siya ng iba't-ibang imprastruktura tulad na lamang ng tulay sa Butuan, at mga paliparan,kasama din ang ang mga daan,na mas kilala sa tawag na farm to market roads na kung saan natapos na nila ang 300.
Nabanggit din niya ang tungkol sa edukasyon. Ang 15, 000 na silid-aralan, na noon ay 6,000 lamang ang nagagawa sa isang taon, pagbibigay ng isang libro bawat mag-aaral sa elementarya, ang pagsusuporta ng 600,000 na iskolar, ang pagpapa-angat sa kalidad ng pagtuturo, ay ilan lamang sa mga nagawa niya sa edukasyon.
Kung tungkol naman sa medisina, nagawa nilang hatiin ang presyo ng mga gamot na karaniwang binibili ng madla. Nabanggit tio ng pangulo noong taong 2001, at ngayon ay napatupad niya.
Kung mapapansin natin, mas nakatuon ang pansin ng administrasyon sa Mindanao. Dahil taga-doon ako, naiintindihan ko ang dahilan bakit ganoon. Kasi, kung ang ipinagmamalaki ng Maynila ay iyong mga industriya at iba't-ibang negosyo, ang sa Mindanao naman ay iyong mga produktong agrikultural na siyang bumubuhay sa ating lahat. Ika nga ng pangulo, Last year, I unveiled the Super Regions, such as Mindanao,to spread development away from an inequitable concentration in Metro Manila. HINDI LAMANG MAYNILA ANG PILIPINAS.
Sinabi ng pangulo sa simula ng SONA niya na hangarin niyang mapabilang ang ating bansa sa hanay ng mayayamang bansa pagkatapos ng 20 taon. At kapag nagbitiw ng ganitong pahayag ang isang tao, nagbabatay ito sa numero. Ibig sabihin, may pagsasaliksik ang ginawa. Ngunit kahit anong gawin natin, hindi natin nararamdaman ang sinasabi niyang pag-unlad. Ito ay marahil sa kadahilanang ang umuunlad lamang ay ang iyong mga taong napapabilang sa mataas na uri ng pamumuhay o ang iyong mga mayayaman. Alam natin na ang pera ay umiikot lamang. Kaya kung umuunlad ang mga mayayaman, o yumayaman ang mg mayayaman, e di mas lalong naghihirap ang mga mahihirap. Hindi ba? Kaya hindi natin nararamdaman ang pag-unlad dahil ang nakikita natin ay iyong mga mamamayan na naghihirap, na lalong naghihirap.
Hindi naman talaga kaya ng ating pangulo na tugunan ang LAHAT ng pangangailangan ng mamamayan, hindi ba? Kumbaga binibigyan niya ng prayoridad ang mga pangangailangan na kailangang unahin. Hindi ko naman sinasabi na wala sa prayoridad niya and edukasyon, kasi karamihan sa nag-aalsa ay edukasyon ang isinisigaw. Ang sa akin lang, kung ititgil natin iyong mga pagbabatikos at simulan nating magsakripisyo, siguradong mabibigyan ng daan ang mga plano ng ating pangulo para sa ikauunlad ng ating bansa., Kailangan lang nating buksan ang ating isipan, at magtiwala sa kanya.
Saturday, September 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Casino, poker, live dealer, online roulette - Dr.MD
Free casino & poker games with bonuses, codes & mobile 창원 출장샵 app. Join. 제주 출장샵 Free spins & 전주 출장안마 bonus. 성남 출장마사지 Play 의왕 출장안마 Now. No signup or download needed.
Post a Comment