Tuesday, October 9, 2007

napupunding ilaw

Sa bahay ng kaibigan ko siya nakita. Namamalantsa. Kakatapos lang niyang maglinis ng buong bahay. Tagaktak ang pawis niya. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman. Gumaan ang loob ko nang makita ko siya. Marahil ay nakikita ko ang mama ko sa kanya tuwing nagtatrabaho siya. Hindi ako nag-alangang lumapit. Alam kong pagod na siya. Kaya nais kong pawiin iyon sa paraang alam ko.
Binati ko siya. Hello po. Kamusta po kayo? Ah. Kaibigan ka ba ni RL? Maayos naman ako. Gusto mo ba ng maiinom?
Hindi na po. Ok lang. May kinuha lang po si RL sa kuwarto niya. Ngumiti siya.
Siya si Erlinda Otadoy, 47 taong gulang. Isa siyang katulong ngunit uwian. Kasalukyan siyang namamasukan sa pamilya Canhe na nakatira sa No. 21, Road 9, Project 6, Quezon City. Nagtatrabaho siya mula alas singko ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Nagtataka ako bakit nasa ibang bahay siya na kung tutuusin ay ala una pa lamang iyon ng hapon. Iyon pala, umeekstra siya sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Isa sa mga ineekstrahan niya ang bahay ng kaibigan ko.
Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Kinausap ko siya. Ako po si Ralph. Ngumiti lang siya. Taga-saan po kayo? Taga- Napocor Village. Dun sa Tandang Sora. Malayo ba iyon? Medyo. Kapag sinabi kasing village, naiisip ko kaagad na mayayaman ang nakatira dun. Nagtataka tuloy ako. Hindi naman talaga kami sa loob ng village nakatira, nasambit niya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. Saan po? Nasa gilid lang ng village. Amin iyong bahay. Pero para na din kaming taga-village. Ngumiti ulit siya.
Mabait naman pala si Aling Linda. Hindi ako nahihiyang magkuwento at magtanong.
Sa Las Pinas po kami nakatira, sabi ko. Namamasukan din kami bilang katulong sa bahay ng tita ko. Tatlong libo po ang suweldo namin kada buwan. Buti na nga lang ho at may pinagkakakitaan kami para may allowance ako. Kayo ho? Tatlong libo din kada buwan. At may 200 pang allowance kada linggo. Parehas pala tayo.
Nasaan po ba asawa niyo? Nagtatrabaho din po ba siya? Ah. Wala siyang permanenteng trabaho. Pitong buwan na nga eh. Pero noong huli siyang nagtrabaho, kumita siya ng 450php kada araw. Iyong papa ko po, patay na. Napagtripan po siya ng mga adik. Nakakalungkot nga ho eh. Ganun ba? Nakikiramay ako sa iyo anak.
Iniba ko ang usapan. Kasya po ba ang kinikita niyong dalawa? Medyo. mga kulang kulang 100 lang naman ang nagagasta namin araw-araw. 200 pesos ang binabayad namin para sa kuryente at 200 din sa tubig. Saka, isa na lang ang estudyante namin. Ay, oo nga pala. Ilan po anak niyo? Lima. Ang bunso na lang ang nag-aaral. Second year High school. Iyong apat, hayskul lang ang natapos. Hindi na nakapag-kolehiyo dahil hindi kaya ang gastusin. Wala po silang trabaho? 'Yong pangatlo, ang aming unico hijo na may asawa na, tinutulungan ang kanyang itay kapag nagkakaraket. Iyong pangalawa naman, hiwalay na. Ngayon, umeekstra na siya sa paglalaba. Ang iba, dalaga pa.
Hindi ko naitanong kung mayroon na bang anak ang dalawa. Naisip ko, buti naman at kahit papaano'y nagtatrabaho na din ang iba niyang anak. Para naman matulong-tulungan nilang matustusan ang pangangailangan nilang mag-anak. Mabuti at hindi nila hinayaan ang nanay nila na mag-isang nagtaguyod sa kanila.
Nagbabakasakali ako. Mga magulang niyo ho? Tanong ko. Patay na sila. Mama ko namatay sa kanser. Nabigla ako. Kanser. Para bang ang sakit ng pagkabigkas niya. Wala akong ibang masabi kundi nakikiramay po ako. Iniba ko na ulit ang usapan.
Bago ho kayo namasukan bilang katulong, mayroon po ba kayong ibang trabaho? Ah, noon saleslady ako sa Uniwide. Tapos sa COD. 'Di ko na matandaan ang ibig sabihin nun. Isang taon ako dun. Tapos sa paggawaan ako ng sinturon nagtrabaho, sa may Congressional yun. Kakasimula pa lang ng negosyong iyon. Mahigit 2 taon din ako bago tumigil. Bakit ho kayo tumigil dun? Kasi pinagbubuntis ko ang aking panganay. Babae. 20 taong gulang ako nun.
Ngumiti ako. Andami niyo na ho palang napasukang trabaho. Kaya pala ang liksi niyo at para bang sanay na kayong kumayod. Buti naman po healthy kayo. Healthy naman po kayo, hindi ba? Ngumiti siya.
Tapos na siyang namalantsa. Nililigpit na niya ang mga damit. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si RL. Tinanong niya kung anong pinag-usapan namin. Sabi ko, wala. Tungkol lang sa life story naming dal'wa.
Hindi ko na siya masyadong napanayam. pagkatapos nun. Medyo mag-aalas tres na kasi nun. At kailangan na niyang bumalik sa pamilya Canhe.
Inakala kong walang masyadong interesante sa kanya. Pero nabigla ako nang kinuwentuhan ako ng mama ng kaibigan ko pagkaalis ni Aling Linda.
May kanser yun.
Po?!
May kanser si Aling Linda.
Po? Kanser? Paano? Bakit? Anong kanser?
Naglalaro ang mga tanong na ito sa aking isipan. Hindi makalaunan ay nabigyan din ito ng mga kasagutan.
May bukol pala sa tiyan si Aling Linda. Ito ang naging ugat ng sakit niya. Nanatili itong lihim, kahit ang pamilya niya ay walang kaalam-alam. Sabi ni tita, baka ayaw lang niyang kaawaan siya o pandirihan kaya niya ito itinago. Iniisip ko baka nasa genes nila iyon, dahil nabanggit nga niyang sa kanser namatay nanay niya. Kaya pala parang may bahid na kalungkutan ang pagkabigkas niya ng salitang kanser. Dahil alam niyang daranasin din niya ang tinahak na daan ng ina niya.
Noong nakaraang taon pa niya nalaman sakit niya. Tinanong ko si tita kung anong nagingreaksiyon ni Aling Linda nang malaman niya sakit niya. Naiyak daw. Pero nanatili pa rin siyang matatag. Sa nakikita ko nga sa kanya, aakalain mong wala siyang karamdaman. Ang liksi nga niya. Kaya pala ngumiti lang siya ng tinanong ko siya kung healthy siya. Ang masakit pa noon, ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya. Kung tutuusin, sa kalagayan niya, dapat nasabi na niya iyon para matulungan siya o di kaya'y pagpahingahin siya ng pamilya niya. Pero hindi. Kasalukuyan niyang nilalabanan ang sakit niya.
Nakakalungkot ngang isipin na sa kabila ng kabaitan ni Aling Linda ay nakakaranas siya ng ganoong kalaking pagsubok. Para bang hindi nararapat na tahakin niya ang ganoong landas. Sa kabila ng lahat ay nanatili siyang malakas at matatag. Kaya siguro iyon binigay sa kanya ng Panginoon dahil alam Niyang kaya niya iyon.
Si Aling Linda. Matatag. Huwaran. Masipag. Larawan ng isang ulirang ina na patuloy na tinataguyod ang pangangailangan ng kanyang mag-anak sa nalalabing oras ng buhay niya. Isa lamang siyang patunay na ang mga tao'y may iba't-ibang uri ng krus na pinapasan. Isa lamang siya sa maraming taong patuloy na naghihirap. Ngunit, sa kabila nito, hindi natin maitatanggi na isa din siya sa maraming tao na hindi kailanman naisipang sumuko sa labang kinakaharap.
Mabuhay ka, Aling Linda. Patuloy kitang ipagdadasal. Habambuhay nakatatak sa puso ko ang kuwento mo.

Friday, October 5, 2007

mah music




musics i enjoy listening.

Tuesday, October 2, 2007

prodigal friend [?]

the conversation i had with my ex, and ex-ex friend. :)

rdemonic_titan: :

rdemonic_titan: go on. tell me everything.

sam_michelle_her: mas mabuti cguro kung sa personal na lang...

rdemonic_titan: hmm. ayoko.

sam_michelle_her: bakit?

rdemonic_titan: its much better here. im not expressive kapag personalan.

sam_michelle_her: padalos dalos ako kapag hndi personal

sam_michelle_her: kelan pwede?

rdemonic_titan: hmm. hindi nga pwede. ayoko. im much more serious kapag ganito. its okay para sa akin if padalos-dalos ka. sanay na naman ako eh.

sam_michelle_her: ang hirap naman ng ganito...

sam_michelle_her: haay...

sam_michelle_her: game na...

rdemonic_titan: what do you want to say.

sam_michelle_her: when we made the deal, i was thinking, it's no big deal kasi how many months plang naman taung magkakilala...

rdemonic_titan: and...?

sam_michelle_her: AKALA ko, hndi ka naman maapektuhan... but i can see that is not the case,,,

rdemonic_titan: hmm.

sam_michelle_her: IF I KNEW BETTER,... hindi ko na sana ginawa iyon...

rdemonic_titan: so..?

rdemonic_titan: ano plan mo?

sam_michelle_her: so now, i want to ask you and i wish you'd tell me the truth... in favor ka ba sa gnwa nating deal? if yes, are you sure. if no, then anong kailangan kong gawin...

rdemonic_titan: uhmm. honestly, hindi ako pabor.

rdemonic_titan: hmm

rdemonic_titan: bat ba kasi kailangang umabot sa puntong iyon ng buhay natin.

rdemonic_titan: we dont need to break the bond. we dont need to break our friendship.

rdemonic_titan: i mean, dahil lang sa sinabi ko sa lib? para un lang?

sam_michelle_her: hindi lang iyong sa lib...

rdemonic_titan: ok. so ano pa ung mga reasons?

rdemonic_titan: ano pa ung ibang reasons?

sam_michelle_her: db nung start nung classes, parang close naman tau?

rdemonic_titan: yip.

rdemonic_titan: and...?sam_michelle_her: may times na nararamdaman ko (note:makapal na ko kung makapal) na may gusto ka sa akin. hindi mo ba napapansin na may times na iniiwasan kita? dahil doon iyon. tapos pag 'feeling' kong getsmo na ung point ko, kinakausap na ulit kita kya lang nangyayari ulit ung pagpaparamdam...

rdemonic_titan: :)

rdemonic_titan: natatawa ako sa sinabi mo.

rdemonic_titan: iniiwasan mo nga ako. and yes may gusto ako sau.

rdemonic_titan: noon ah.

rdemonic_titan: noon pa un.

rdemonic_titan: ewan ko. kasi once i get to know the person, na sinasabi kong crush ko, nawawala ang gusto ko.

rdemonic_titan: nawawala ang feeling.

rdemonic_titan: and ano lang naman, paghanga lang ang feeling ko sau cause matalino ka. ganun ganun. simple. etc etc

sam_michelle_her: kapag kasi nangangalabit ka tapos parang nagpapancn ka... may mga good friendships na kasi akong nasira dahil sa mga ganyang bagay and since hindi pa naman tau ganoon ka close, i thought, kapag itinigil ko na ngaun, edi tapos na... db?

rdemonic_titan: ngek. likas lang talaga sa akin ang magpapansin. ok?

rdemonic_titan: lahat kaya ng blockmates natin ginaganun ko.

rdemonic_titan: haha. kaya pala noon, iniwasan mo bigla si jem haha

sam_michelle_her: tapos sabi mo mahal mo ung mga kaibigan mo... not that i don't love my friends pero ang mahal ko iyong mga long time friends ko...

sam_michelle_her: i care about my new friends pero hindi ko pa masasabing mahal ko sila,...

rdemonic_titan: ah. so binigyan mo ng ibang meaning ung sinasabi ko.

rdemonic_titan: hmm.

sam_michelle_her: hindi sa ganoon... iba lang tlga iyong perception ko ng pagibig...

sam_michelle_her: pra bang, ang hirap paniwalaan...

rdemonic_titan: hmm

sam_michelle_her: kasi kahit sa nanay ko hindio ako naga i love you...

rdemonic_titan: haha. kaya pala. ako always eh. kaya siguro ganun ako kasi sanay na sa ganyan. love

rdemonic_titan: hmm

sam_michelle_her: pra bang ang 'talkshit' ng mga sinasabi mo pero opinion mo un so i have to respect that...

sam_michelle_her: hndi iyong mga sinasabi mo ngaun ah... ung dati... ung last tym....

rdemonic_titan: kelan?

sam_michelle_her: nung 9.18.07

sam_michelle_her: tinandaan m tlga

rdemonic_titan: haha. hindi kaya.

rdemonic_titan: bakit. ano bang pinagsasabi ko sau nung 9.18.07

sam_michelle_her: na importante mga kaibigan mo kasi mahal mo cla... by the transitive property, edi mahalga din ako... parang ganun... parang ang 'talkshit' para sa akin...

sam_michelle_her: kasi hndi ako ganoon...

rdemonic_titan: hmm. kasi nga hindi ka sanay. un un eh.

sam_michelle_her: may malaking wall ang puso ko... wla akong pinapapasok...

sam_michelle_her: so un an un...

sam_michelle_her: patawarin ang hindi perpekto...

rdemonic_titan: haha. sige ha. ako naman

rdemonic_titan: ok lang sau?

sam_michelle_her: okey lang...

sam_michelle_her: wla namng bad words yan?

rdemonic_titan: un nga. i had a crush on you. take note ha. HAD.

sam_michelle_her: past tense

sam_michelle_her: gets

rdemonic_titan: pero un nga din. once naghing close na ako sa certain crush kong un, nawawala ang feelings ko.

sam_michelle_her: okey

sam_michelle_her: ... and then...

rdemonic_titan: like sa nangyari sa atin. we got close. esp nung time ng science natin. and evrything. ung 'date' natin sa sm manila.. haha.

rdemonic_titan: kaya nawala.

rdemonic_titan: ts normal na ung treatment ko sau

rdemonic_titan: kasi kung anong ginagawa ko sau, ginagawa ko din naman sa iba.

rdemonic_titan: pero sa lahat ng kinukulit ko, ikaw lang ung mailap. haha. madali ka kasing mapikon.

rdemonic_titan: kaya nageenjoy akong kulitin ka.

sam_michelle_her: okey...

sam_michelle_her: go on...

rdemonic_titan: kaya nagiging madalas ang pangungulit ko sau kasi naeenjkoy ako sa pagkapikon mo.

rdemonic_titan: *nageenjoy

rdemonic_titan: ts iniiwasan mo nga ako

rdemonic_titan: i was wondering why.

rdemonic_titan: pero kapag may certain repulsion na nangyayari, umiiwas na din ako.

rdemonic_titan:

hindi naman ako ganun ka manhid no

sam_michelle_her: lagi ko namang sinasbi sau db na ang kulit kulit mo...

rdemonic_titan: ts ewan ko ba sau bakit big deal para sau ang lahat ng ginagawa ko. haha. may gusto ka din ba sa akin?:)

rdemonic_titan: un ang naisip ko.

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: so ano ba. maeron ba talaga?

sam_michelle_her: wala..

sam_michelle_her: hndi mo ba binasa ung primer natin sa poh?

sam_michelle_her: ph?

rdemonic_titan: o. un naman pala eh. so bakit mo pa pinapaabot sa ganito ang sitwasyon natin?

sam_michelle_her: db sabi dun wag daw makipagrelasyon sa blockmate or ka yr level mo?

rdemonic_titan: binasa. but it was purely crush. ts madaling naglaho. aun

sam_michelle_her: kasi nga... AKALA ko it is no big deal.....

rdemonic_titan: waw.relasyon naman un. hindi naman crush. kaw talaga

sam_michelle_her: wla p nga 5 months taung magkkilala db?

rdemonic_titan: oo

rdemonic_titan: and...?

sam_michelle_her: so I THOUGHT okey lang kung hindi na tau mag usap... I didn't think it would affect you...

rdemonic_titan: actually, hindi ako galit. hindi ako bitter. except lang sa apgkawala ng friend ko. un lang. but after that, ok na ako. i mean, all my misfortune was just a byproduct of my recklessness and bad attitudes. walang kinalaman ang deal natin.

rdemonic_titan: though hindi talaga natin maiiwasan na magkailangan. ganun naman talaga un eh.

rdemonic_titan: part na un sa deal, kahit na hindi specified.kasali na un. kasali na ang ilangan

sam_michelle_her: naiilang ka?

rdemonic_titan: xempre.kaw ba hindi?

sam_michelle_her: not really... kya nga hindi na tau magpapancnan dba? para hindi na ako mailang... nuh kb?

rdemonic_titan: hindi nga tayo nagpapansinan pero nag iim naman tau. bwahaha. ur beaking the deal.

rdemonic_titan: *breaking

sam_michelle_her: kasi nga may 'feeling' ako na naapektuhan ka, naapektuhan kb o ano?

rdemonic_titan: hindi nga. nung simula, oo. pero after that, hindi. may ilangan nga lang. kasi nga, hindi lang ako sanay na may ganun. i mean, may blockmate ako na 'kailangang hindi pansinin'. ganung stuff. kasi nga im makulit and pasaway and papansin. so ang hirap ng ganun.gets?

rdemonic_titan: naiilang lang ako. un lang

sam_michelle_her: gets..

sam_michelle_her: sure ka na?

rdemonic_titan: tsaka i'll tell you a secret

sam_michelle_her: ano un?

rdemonic_titan: tsaka i was not serious noong nag im tau noong 9.18.07. sa simula, hindi ako seryoso. pero nang maramdaman kong seryoso ka, natawa ako. haha. kaya naging seryoso na din ako. haha. un lang.

sam_michelle_her: ahh....

sam_michelle_her: okey...

rdemonic_titan: pati ung blog ko noong 9.18.07, drama lang un.

rdemonic_titan: haha

sam_michelle_her: sure ka na b tlga dyan?

rdemonic_titan: ano ba kasi gusto mo.

rdemonic_titan: anong gusto mong mangyari.

sam_michelle_her: wla naman..

sam_michelle_her: i just wanna make sure na ok k lng kahit ex friend ako kasi tao i'm not totally heartless

sam_michelle_her: kasi i'm not totally heartless*

rdemonic_titan: hmm. plastic. hehe. heartless ka kaya. totally. haha

rdemonic_titan: so, ano. forever na ba tong ilangan natin?

rdemonic_titan: hindi mo babawiin?

sam_michelle_her: meron kbng proposition?

rdemonic_titan: uhmm. may proposal. haha

rdemonic_titan: may proposal ako.

rdemonic_titan: bawiin na lang kaya natin ung deal.

sam_michelle_her: tapos?

sam_michelle_her: un lng?

rdemonic_titan: un lang. ano gusto mo, magkarelasyon tau? bwahaha

sam_michelle_her: tgnan mo... yang mga comments mong ganyan, feeling ko nanamng may gusto k tlga skn... nuh ba...

rdemonic_titan: haha. ay naku. kahit nga kay rl ginaganyan ko. ano ka ba.

sam_michelle_her: eh naiilang nga ako... iyon nga ung ayaw ko eh...

rdemonic_titan: parang naririnig ko ang malandi mong 'nuh ba......'

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: oo na.

rdemonic_titan: sinasagot na kita. joke. naeenjoy nga kasi ako kapag napipikon ka

rdemonic_titan: haha

sam_michelle_her: so ano na?

rdemonic_titan: joke lang un

rdemonic_titan: so. friends ulet?

rdemonic_titan: :)

sam_michelle_her: feelingmo naman

sam_michelle_her: bsta wlang pahiwatig kahit konti ksi uupakan tlga kita

sam_michelle_her: ayoko tlga ng ganun..

sam_michelle_her: automatic, iisnabin at tatarayan kita...

sam_michelle_her: hndi ako nagjojoke...

sam_michelle_her: automatic un...

rdemonic_titan: haha. grabe. makapangyarihan talaga ang salita. para un nga lang eh, affected kana agd. tsk tsk.

sam_michelle_her: hndi ko un napipigilan...

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: mataray ka nga.

sam_michelle_her: repulsive tlga ako.. suplada in other words...

rdemonic_titan: ano ba kasi sinabi mo kina marnelli at abby at jem?hmm?

sam_michelle_her: wla...

sam_michelle_her: sa totoo lang...

rdemonic_titan: ay naku.

rdemonic_titan: denial

sam_michelle_her: wla tlga akong pinagsabihan ni isang kaluluwa dito sa earth...

sam_michelle_her: i swear...

rdemonic_titan: ows?

sam_michelle_her: mamatay na si pgma ngaun pero wla tlga...

sam_michelle_her: hindi nila alam...

sam_michelle_her: try mo clang tanungin...

rdemonic_titan: eh ano ung narinig ko kay marnelli nung bday ni te wronz?

sam_michelle_her: mga walang alam ung mga un...

rdemonic_titan: nung pauwi tau

sam_michelle_her: bnkt? anong sb nia?

rdemonic_titan: kausapin mo daw ako something

sam_michelle_her: huh?

rdemonic_titan: ral;ph pa nga eh

sam_michelle_her: ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!

rdemonic_titan: ralph pa nga sabi eh

rdemonic_titan: ako ba un?

sam_michelle_her: si ralph geronimo un......................

rdemonic_titan: oooh. cno un?

sam_michelle_her: nsa masci cia that day....

sam_michelle_her: kaibigan...

rdemonic_titan: hehe. kaibigan daw oh.

sam_michelle_her: nagpa braces cia kya tinignan namin..

rdemonic_titan: waw ako din. magpapabraces.

rdemonic_titan: wahaha

rdemonic_titan: jokerrdemonic_titan: so its not my fault kapag inaasar ka nila sa akin ah.

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: wag mo ibaling sa akin ang galit mo

sam_michelle_her: bsta ha... wlang papancn pahiwatig watever... hndi ko kyang pigilan ang sarili kong mgsuplada... it's in my blood

rdemonic_titan: so ano nga. kapag inaasar ka nila sakin

sam_michelle_her: inaasar b nila ako sau??

sam_michelle_her: edi deadma...

rdemonic_titan: i mean, pini pair up

sam_michelle_her: i dont give a cake...

rdemonic_titan: yihiy!

rdemonic_titan: tulad nung sa histop

rdemonic_titan: *histo

sam_michelle_her: naman... sa dami ng mga lalaking na link sa akin... it's no biggie...

sam_michelle_her: wla un...

rdemonic_titan: waw. ang ganda mo ate

rdemonic_titan: haha

sam_michelle_her: hndi ako naapektuhan

rdemonic_titan: immune na kung immunbe

rdemonic_titan: *immune

sam_michelle_her: oh basta ha...

sam_michelle_her: klaro na ba ang lahat?

rdemonic_titan: yip.

sam_michelle_her: do you have any questions?

rdemonic_titan: pwede pa tutor sau sa math? bagsak ako eh. :(

sam_michelle_her: anong score mo?

rdemonic_titan: 49% lang.huhu

sam_michelle_her: ilan na binagsak mo?

rdemonic_titan: ngayon pa lang.4th pa lang.

rdemonic_titan: ikaw?

sam_michelle_her: naks naman

sam_michelle_her: wla pa

rdemonic_titan: haha.kaw nga wala pa.

rdemonic_titan: pasaway

rdemonic_titan: sige na. teach me

sam_michelle_her: hndi ko sure kung pwede kitang turuan kasi obviously... wla akong alam...

sam_michelle_her: tsamba lang lahat iyon...

rdemonic_titan: ay naku. papasa ka ba kung wala kang alam?

sam_michelle_her: hndi tlga ako marunong magturo

rdemonic_titan: denial ulit

sam_michelle_her: kahit mga kapatd ko hndi na umaasa sa akin..

rdemonic_titan: ay naku...............

sam_michelle_her: sorry

sam_michelle_her: kelangan ko na umalis

rdemonic_titan: tsk tsk

rdemonic_titan: babay

sam_michelle_her: kitakits nlng

sam_michelle_her: geh

rdemonic_titan: isusulkat ko sa blog ko ang pinagusapan natin

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: ipopost ko

sam_michelle_her: wag...

sam_michelle_her: sisipain kita

rdemonic_titan: haha. bakit?

rdemonic_titan: bat ayaw mo?

sam_michelle_her: wag kasi...

rdemonic_titan: bait nga?

rdemonic_titan: Bakit?

sam_michelle_her: may mga nagbabasa kaya niyan

rdemonic_titan: haha. kaya nga.so?

sam_michelle_her: respect for privacy

rdemonic_titan: waw. may secret blog naman ako eh. dun ko ilalagay

rdemonic_titan: haha

sam_michelle_her: nyeh

sam_michelle_her: nuh kb...

rdemonic_titan: ano?

sam_michelle_her: wla nga akong pnagsbhan kasi private matter un tapos ikaw nilagay mo sa blog tapos cnabi mo pa sa lahat ng mga kaibigan mo...

sam_michelle_her: unfair

rdemonic_titan: ha?may sinabi ba ako?

sam_michelle_her: bakit? wla kan pnagsbhan?

rdemonic_titan: may pinagsabihan ba ako?

sam_michelle_her: weh?????

sam_michelle_her: kaw pa

rdemonic_titan: wala kaya!

rdemonic_titan: ay naku. kaw talaga. narrow minded. kaya

rdemonic_titan: ko kayang magtago ng secret

rdemonic_titan: haha

rdemonic_titan: kaya nga may secret blog asko eh

sam_michelle_her: pero nlagay mo pa rin sa blog

rdemonic_titan: haha

sam_michelle_her: wag na kasi

sam_michelle_her: alis n tlga ko

rdemonic_titan: at least wala akong minention na name

rdemonic_titan: sige na.alis ka na.

sam_michelle_her: watev

rdemonic_titan: baby

rdemonic_titan: babay

resolution.

i felt as if im into changing, but for the better.
last night, i dont know what went into me. but i have decided to move the smokey mountain out of my room into the garbage bin. guess i just realized how untidy and cluttered is my room. actually, its not really 'my' room. i just slept there, but i dont own it. ughh! whatever.
it was really a mess. my room, i mean. from the papers and used cotton and ballpens and un-eaten chocolates to the bus tickets and candy wrappers, you would really wonder if the person sleeping in the room is still a person.
okay. i admit. im a messy person. sometimes, i cant even throw scratch papers in the bin, thinking that someday, they might still be of use. it may sound weird, but i sometimes think that they get hurt when i throw them away. too childish.
but there are also times when i seem to be obsessive compulsive. is that right? guess so. i mean, there are times when i cant really stand the filthiness and all, making me summon the bin and dispose them all. that's just what happened last night.
i really dont know what's gotten into me. all i remember was myself, lying in the bed, imagining about my love life [a bit exaggerated.] and then standing up and getting the bin. there was really some sort of pressure, heat, energy in the room that makes me sick. and cleaning the room seemed to be the most effective solution. and so it was. when everything was kept and cleaned, peace was restored in the kingdom. *angels began to sing*
actually, i was reflecting on the past events of my life. it feels like i am a loser. a total failure. and i needed a dramatic change. a change for the better. it really feels like all the bad lucks and demons and bad spirits are all locked in the room, along with all the garbage. and so i needed to dispose them out. all the despairs and sadness and bad attitudes went away with the garbage.
actually, all i need was a very motivated start. i have already started with my feet. they were dirty. but i already brushed them. it was really useless to mention the feet. but i guess i have to. sorry.
and then there's the room. i have cleaned it. and im gonna start fresh and clean. it is already conducive to learning.
the last, but definitely not the least, is myself. i have to set myself that i am gonna change for the better. i must have this certain mindset. and i think it works since i have understood the topic we discussed today. and so i hope that this resolution will go on.
and that made me wonder: was the result for 4th math depex has anything to do with all these 'change for the better' thing? hmm.